Mga Pananaw ni Kulasa sa Power of Relationship Webinar



Nang napanood ko ang webinar, nagalak ako dahil hinihikayat ng host na magparticipate at magtanong ang mga viewers sa pamamagitan ng pag-comment sa chatbox. nakakatuwa dahil kahit virtual ang webinar ay parang nasa loob ka talaga ng conference room. Bago mag-umpisa ang webinar ay ipinakilala ng host ang speaker sa mga viewers. Actually, hindi nag-tagal ng 20 minutos ang pagpapakilala. Hindi naging boring ang webinar dahil sa mga slides ng information tungkol sa Relationship and Facts on Relationship. Isinalaysay din nbiya ang importansya ng relationship at nagbigay din ng mga halimbawa.



Isinalaysay ni speaker ang mga Relationship Busters. Ngunit ang di ko malilimutan na kanyang sinabi ay and I quote " Expectation is the root of all heartaches and disappointments are part of life. Huwag masyadong umasa kapag nasa isang relasyon lalo na kapag may mga espesyal na okasyon. isa kasi iyon sa mga pinagmumulan ng mga alitan. Dapat ay hayaan si partner na gumawa ng move para ipakita ang sweetness sa kanyang iniirog. Mga halimbawa nito ay pagbibigay ng mga tsokolates at bulaklak.



Habang nagsasalita si Ms. Josie ay na-realize ko ang importansya ng komunikasyon. Dapat ay madalas tayong nakikipag-usap sa ating partner. Dapat ay open tayo sa mga gusto at ayaw natin. Para sa gayon ay alam nila kung paano sila mag-aadjust. Hindi lamang sa mga may partner, kundi sa mga taong malalapit sa atin at nakakasalamuha natin.



 



Ang webinar na aking napanood ay masasabi kong isa sa mga punung-puno ng mga impormasyon. Ang nakakatuwa ay sobrang dami ng makaka-relate dito. Kahit ilang beses kong panoorin ay hindi nakakasawa. 



Ito po yung link ng webinar:



 



https://m.youtube.com/watch?v=hoeLjFtivW8&feature=youtu.be

Like this story?
Join World Pulse now to read more inspiring stories and connect with women speaking out across the globe!
Leave a supportive comment to encourage this author
Tell your own story
Explore more stories on topics you care about